Ang Ibong Nakahawla Tula ni Maya Angelou




ANG IBONG NAKAHAWLA

 Tula ni Maya Angelou

 



 

Isang ibon ang umigpaw

Sa likod ng hangin

At nagpalutang pababa sa may ilog

Hanggang sa magwakas ang agos

At nagtawtaw ng kanyang mga pakpak

Sa kahel na silahis ng araw

At nangahas angkinin ang langit.

 

 

Ngunit ang isang ibong nanlilisik

Sa kanyang makitid na hawla

Ay bihirang makasilip

Sa mga rehas ng kanyang pagngingitngit

Mga pakpak niya’y pinutulan at

Mga paa’y tinalian

Kaya’t siya’y nagbuka ng tuka upang makaawit.

 

Ang ibong nakahawla’ y umaawit

Nang may kasindak - sindak na tinig

Ng tungkol sa di - batid na mga bagay

Ngunit minimithi ang kapayapaan

At ang kayang himig ay naririnig

Sa malayong burol

Sapagkat ang ibong nakahawla’ y

Umaawit ng kalayaan.

 

Ang malayang ibon nama’ y nag - iisip ng ibang simoy

Ng hanging malamyos sa mga punong

Nagbubuntonghininga

Ng matatandang uod na naghihintay sa damuhang

Sinisinagan ng umaga

At ang langit ay itinuturing na kanyang sarili.

 

Ngunit ang isang ibong nakahawla’ y nakatayo sa

puntod ng mga pangarap

Anino niya’ y sumisigaw sa tili ng isang bangungot

Mga pakpak niya’ y pinutulan at mga paa’ y tinalian

Kaya’ t siya’ y nagbuka ng tuka upang makaawit.

 

Ang ibong nakahawla’ y umaawit

Nang may kasindak - sindak na tinig

Ng tungkol sa di - batid na mga bagay

Ngunit minimithi ang kapayapaan

At ang kanyang himig ay naririnig

Sa malayong burol

Sapagkat ang ibong nakahawla’ y 

Umaawit ng kalayaan.







 

 

 

Comments

Popular posts from this blog

Kahirapan