KAHIRAPAN




Ano nga ba ang kahirapan? Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi. Kahirapan, hirap, paghihirap. Mga salitang mayroong isang kahulugan. Bakit nga ba naghihirap ang isang tao? Ano nga ba ang tunay na dahilan nito? Alam naman nating lahat na Kahirapan ang napakalaking problema na kinakaharap ng ating bayan. Marami ang naghihirap dahil sa iba’t ibang dahilan. Isa rito ay palagi nating sinisisi ang pamahalaan. Sino nga ba ang tunay na kasalanan tayo ba o ang pamahalaan?





Ang kahirapan ay laganap ngayon sa bansang Pilipinas. Ayon sa datos 26.1% ng populasyon ng Pilipinas ay naghihirap noong 2015 ngunit sa bumaba ito noong 2019 naging 20% nalang ito. Maraming dahilan kung bakit naghihirap ang Pilipinas ang mga Pilipino. Ang mga dahilang ito ay. Una ang korupsyon hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na ang Pilipinas ang isa sa may pinakakurap na gobyerno sa mundo kung kayat hindi komportable ang ibang bansa na mamuhunan o tumulong sa bansa dahil kadalasan ay ibinubulsa lamang ito ng mga politiko. Ang pagiging korap ng mga politiko ang isa sa mga dahilan kung bakit naghihirap ang bansa. Pangalawa ay ang Edukasyon dahil na rin sa kahirapan, kadalasang napagkakaitan ang mga mahihirap ng oportunidad para makapag-aral. Karapatan nga raw ang edukasyon pero sa bansa nating ito, mas pinipili pa rin ng ibang mga bata na tumulong sa kani-kanilang mga magulang upang may makain sila araw-araw. At dahil dito, mas nahihirapan silang makahanap ng maayos na trabaho dahil wala silang sapat na edukasyon upang makapagtrabaho sa malalaking kumpanya. Ang panghuli ay ang  Kawalang Disiplina sabi nga nila, sa panahon ngayon sa Pilipinas, opsiyonal na lang ang pagsunod sa mga batas. Maging ang mga kabataan ngayon ay hindi na natatakot sa batas. Kailangan nating maging disiplinado at matakot sa mga awtoridad para matuto tayong sumunod sa mga patakaran.






Sa kabuuan, makikita ang isyung panlipunang ito sa iba’t ibang bahagi ng Noli Me Tangere na siyang sinulat ni Dr. Jose P. Rizal. Ilan dito ay ang paghihirap na naranasan ng pamilya ni Sisa kung saan ay kaylangang magtrabaho ang kanyang dalawang anak sa kumbento upang makapag-aral. Hindi rin binibigyan ng importansya ang mga naghihirap kung saan ay hindi sila nakakapag-aral at dahil dito ay mas lalo silang naghihirap. Kung kaya dapat tayong magpursigi upang tayo ay hindi maghirap sa hinaharap. Sa kabila ng lahat ng ito sa palagay ninyo ay sino ang tunay na may sala kung bakit naghihirap ang isang tao? Para sa akin ay tayo ang dahilan sapagkat dapat tayong magsikap upang hindi maghirap. Dapat marunong tayo magdesisyon kung tama ba ang pinupuntahan nang ating pera. Upang hindi tayo mag-sisia sa huli. Sabi nga nila ang tunay na sikreto sa tagumpay ay pagsisikap at patuloy na pagbangon.

Comments

Popular posts from this blog

Kahirapan

Ang Ibong Nakahawla Tula ni Maya Angelou