Posts

Showing posts from February, 2021

Tula para sa Africa

Image
    Artajo, Jurlie Shane T.               10 - Saint Rita    Link:  https://youtu.be/VkUrcXxyCO4   PRAGTIGE Africa isang bansang may makulay na kultura. Mga taong masiyahin at magaganda. Na kahit sila ay nilalait sa kulay ng balat Matapang at matalino ang pinapa-iral ng lahat.   May lider na katulad ni Nelson Mandela Na isang mabuti at masipag sa madla May isip na napaka positibo Isang lider na maasahan ng lahat ng tao.   Maya Anglou isang manunulat Na may napaka malikhain na isip Kahit may hindi magagandang naranasan Patuloy ang buhay at ginamit niyang  inspirasyon.   Sa mga tradisyon na napakalalim Ang pagmamahal sa kultura Mabuhay magpakailanman “Pragtige kultuur en mense”ang masasabi ko  Note: “Pragtige kultuur en mense nangangahulgan na magandang kultura at tao.

Ang Ibong Nakahawla Tula ni Maya Angelou

Image
ANG IBONG NAKAHAWLA   Tula ni Maya Angelou   https://youtu.be/RudMCftimMI   Isang ibon ang umigpaw Sa likod ng hangin At nagpalutang pababa sa may ilog Hanggang sa magwakas ang agos At nagtawtaw ng kanyang mga pakpak Sa kahel na silahis ng araw At nangahas angkinin ang langit.     Ngunit ang isang ibong nanlilisik Sa kanyang makitid na hawla Ay bihirang makasilip Sa mga rehas ng kanyang pagngingitngit Mga pakpak niya’y pinutulan at Mga paa’y tinalian Kaya’t siya’y nagbuka ng tuka upang makaawit.   Ang ibong nakahawla’ y umaawit Nang may kasindak - sindak na tinig Ng tungkol sa di - batid na mga bagay Ngunit minimithi ang kapayapaan At ang kayang himig ay naririnig Sa malayong burol Sapagkat ang ibong nakahawla’ y Umaawit ng kalayaan.   Ang malayang ibon nama’ y nag - iisip ng ibang simoy Ng hanging malamyos sa mga punong Nagbubuntonghininga Ng matatandang uod na naghihintay sa damuhang Sinisinagan ng umaga At ang langit ay itinuturing na kanyang sarili.   Ngunit ang isang ibong nakahaw